The ₱100K Investment Challenge

₱1,000 lang ang simula. ₱100,000 na ngayon.

Walang mana, walang malaking puhunan, walang get-rich-quick. Porsyento lang ng sweldo ko, buwan-buwan. Dito ko ipapakita ang buong journey, step by step, with real numbers.

Ipon.Invest.Palago.

Contributions ko 'yan, hindi kita. Lagi kong ipapakita ang pagkakaiba.

Unang deposit
Jun 11, 2025
Unang investment
₱1,000
Total cash in
₱100,000
Winidraw
₱0
Kuya JB, host ng Digital Profits PH

Kilalanin si Kuya JB

Hindi ako finance expert. Hindi ako mayaman.

Ordinaryong Pilipino lang ako na may sweldo, may bayarin, at may responsibilidad, katulad mo. June 11, 2025, isang libong piso lang ang una kong investment, via GCash. Honestly, hindi ako sigurado noon.

“Kung hihintayin ko na marami na akong pera bago magsimula, hindi ako magsisimula. Kaya nagsimula ako sa kaya ko.”

Karamihan sa atin, walang nagturo tungkol sa pera, hindi sa school at madalas hindi rin sa bahay. Kaya simple lang ang goal ng Digital Profits PH: matulungan kang matutong mag-ipon, mag-invest, at magpalago ng pera, para unti-unti kang makabuo ng wealth.

The ₱100K Investment Challenge

Apat na phases, isang topic kada video

Hinati ko ang journey ko para masundan mo step by step. Sundan mo lang in order, at sa dulo, may sarili ka nang sistema.

  1. 1

    Build the Foundation

    Ang tamang money mindset, at pag-alam kung nasaan ka ngayon.

  2. 2

    Earn, Protect & Manage

    Dagdag na kita, emergency fund, kontrol sa gastos, at tamang paggamit ng utang.

  3. 3

    Accelerate

    Pay-yourself-first, at ang mga simpleng rules na nagpabilis papuntang ₱100K.

  4. 4

    Make Your Money Work

    Paano mag-invest sa funds, paano pumili, at paano i-track ang portfolio.

🧮 Libreng Starting Point CalculatorAlamin ang sobra mo, net worth mo, at kung position 1, 2 o 3 ka.

Alamin ang posisyon mo →

Ang 3 Rules Ko

Simple lang, pero tuloy-tuloy

Ito ang sinunod ko buwan-buwan. Walang palusot.

Rule 1 · Minimum

₱1,000

At least 5–10% ng kita, at hindi bababa sa isang libo kada buwan. Kung twice a month ang sweldo mo, puwede mong hatiin.

Rule 2 · May extra

₱2,000

Kapag may sobra ngayong buwan, ginagawa kong dalawang libo.

Rule 3 · Bonus

₱5,000

Tuwing mas malaki ang kinita, galing man sa bonus o extra income, diretso sa portfolio imbes na gastusin. Ito talaga ang nagpabilis.

Bago ang lahat ng 'to: may hiwalay na emergency fund ako, kaya hindi ko kinailangang galawin ang investments ko.

Episodes

Panoorin in order

Bagong long video kada linggo sa YouTube, Taglish with English subs. May reels din sa TikTok, Facebook at Instagram.

Episode 1 thumbnail: Real numbers, ₱1,000 to ₱100,000

Episode 1 · 8:04 Bago!

₱1,000 Lang ang Simula, ₱100K Na Ngayon

Sino si Kuya JB, paano nabuo ang ₱100,000, ang 3 rules, at ano ang hindi itong channel.

Panoorin sa YouTube →

Episode 2 · Phase 1

Ang Tamang Money Mindset

Farming at chess: ang mindset, attitude at strategy sa likod ng ₱100K.

Abangan, next week

Para malinaw

Ano ang hindi itong channel

  • Hindi get-rich-quick

    Mabagal pero sigurado: maliit na halaga, tuloy-tuloy, buwan-buwan.

  • Hinding-hindi kita hihingan ng pera

    Walang "ipadala mo sa akin." Hindi ako mag-i-invest para sa'yo.

  • Walang tagong referral

    Kung may referral link man, sasabihin ko nang malinaw, kasi puwede akong makatanggap ng reward.

Sumali sa Ka-Profits

Ano ang una mong gustong ma-achieve?

₱1,000 ipon₱10,000₱100,000 portfolio

I-comment mo sa Episode 1 kung alin, at kung bakit. Pipili kami ng 5 best commenters at i-a-announce sila sa Episode 2.